Ang pamimigay ng regalo ay isang tradisyong nakikita halos sa lahat ng bahagi ng mundo sa Estados Unidos man o kaya't sa Tsina. Tunay na ito ay bahagi sa lahat ng iba't ibang kultura sa napakalawak na mundo. Kung isipin ay parang nakakapagtaka kung bakit naman natin isasama ito sa ating kultura kapag lahat na ng tao sa mundo, pinoy man o hindi, ay nagbibigayan ng regalo. Totoo nga na ang ating pamimigay ng regalo ay nakikiisa sa paraan ng iba. Kung tutusin ay may iba bang paraan ng pagbigay ng regalo sa tao diba? Ang nakakaiba lang ay ang mga regalong binibigay. Sa ibang mga kultura ay pwede ka bumigay ng kahit anumang uri ng regalo ngunit sa mga Pinoy ay may mga dapat at bawal sa pagbigay ng regalo sa iba't ibang mga sitwasyon.

Medyo marami rin ang mga paniniwala ng mga pinoy ukol sa pamimigay ng regalo. Bilang sa mga ito ang pagbigay ng gintong regalo sa bata tuwing Baptism dahil ang kasabihan ay magkakaroon ng pusong ginto ang bata. Ibig sabihin lang nito ay magiging mabait at maka-Diyos ang bata. May kasabihan rin na huwag ka dapat magregalo sa iyong syota ng panyo dahil ibig sabihin nito ay may gagawin kang magpapaiyak sa kanya. Isa ito sa mga interesanteng mga paniniwala dahil parang napakababaw niya pero talagang kasama siya sa ating paniniwala. Ang isa pang sabihan ay kapag nakapagtanggap ka ng salamin nilang regalo ay makakatanggap ka rin ng magangang balita. May iba pang mga "weird" na paniniwala tulad ng pagbigay ng mga "religious articles" sa iyong syota o kaya't kaibigan ay masama dahil ang sabi ay magaaway kayo hindi ko lang alam bakit. Isa pa ay kapag binigyan ka ng sapatos o kaya't tsinelas bilang regalo ay dapat magbayad ka ng limang centavo sa nagbigay para makaiwas ng pag-away.

Maari nating sabihin na ang mga ito ay tanging Pilipino dahil, para sa akin, ay talagang nakikita ang pagiging "superstitious" ng mga Pilipino lalo na ukol sa Diyos at pagmamahal. Bali ang mga ito paniniwalang ito ay nagpapakita rin ng ating pagiging malikhain at pagiging parang "conscious" sa ating mga ugali. Sa pagsuno ng mga paniniwala na ito ay pinapakita natin na ayaw talaga natin na makamalas ng ibang tao. Makikita ang mga ito sa halos lahat ng mga pelikulang pinoy. Kasing simple ng pagbibigay ng mga regalo na pinapakita ng napakaraming pelikulang pinoy at lalo na ang mga "drama".

SOURCE: Encyclopedia Of Philippine Folk Beliefs And Customs: Volume 1